Ang trangkaso, impluensa, impluwensa, o gripe[1] (Ingles: influenza, flu, grippe; Kastila: trancazo) ay isang uri ng karamdamang nakakahawa na may sintomas na lagnat, ubo, at sipon. Ang trangkaso ay isang uri ng pangkaraniwang sakit. Isa itong uring sakit na pana-panahon o nauuso ang paglitaw, na biglaan ang pagdating, partikular na tuwing panahon ng tag-ulan o taglamig. Bagaman nawawala nang kusa ang trangkaso, isa rin itong sakit na katindihan at paglala, at maaaring makapagdulot ng kamatayan.[2]