Republikang Bayan ng Tsina | |
---|---|
Kabisera | Pekin 39°55′N 116°23′E / 39.917°N 116.383°E |
Pinakamalaking lungsod | Shanghai 31°13′N 121°28′E / 31.217°N 121.467°E |
Wikang opisyal | Mandarin |
Katawagan | Tsino |
Pamahalaan | Unitaryong Marxista–Leninistang unipartidistang sosyalistang republika |
Xi Jinping | |
Han Zheng | |
• Premiyer | Li Qiang |
Lehislatura | Pambansang Kongresong Bayan |
Kasaysayan | |
2070 BCE | |
221 BCE | |
1 January 1912 | |
1 October 1949 | |
20 September 1954 | |
4 December 1982 | |
20 December 1999 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 9,596,961 km2 (3,705,407 mi kuw) (3rd / 4th) |
• Katubigan (%) | 2.8 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 1,411,750,000 (2nd) |
• Densidad | 145/km2 (375.5/mi kuw) (83rd) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $33.015 trilyon (1st) |
• Bawat kapita | $23,382 (73rd) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2023 |
• Kabuuan | $19.374 trilyon (2nd) |
• Bawat kapita | $13,721 (64th) |
Gini (2019) | 38.2[1] katamtaman |
TKP (2021) | 0.768 mataas · 79th |
Salapi | Renminbi (元/¥) (CNY) |
Sona ng oras | UTC+8 (CST) |
DST is not observed | |
Ayos ng petsa |
|
Gilid ng pagmamaneho | right (mainland) left (Hong Kong and Macau) |
Kodigong pantelepono | +86 (mainland) +852 (Hong Kong) +853 (Macau) |
Internet TLD |
Ang Tsina (Tsino: 中国; pinyin: Zhōngguó), opisyal na Republikang Bayan ng Tsina,[2][3] ay bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Mula hilagang-silangan hanggang timog-kanluran, hinahangganan nito ang Hilagang Korea, Rusya, Mongolya, Kasakistan, Kirgistan, Tayikistan, Apganistan, Pakistan, Indiya, Nepal, Butan, Myanmar, Laos, at Vietnam. Sa populasyong hihigit 1.4 na bilyon at lawak na aabot sa 9.6 milyong km2, ito ang ikalawang pinakamatao at ikatlong pinakamalaking bansa sa mundo ayon sa panlupaing sukat. Ang pambansang kabisera nito ay Pekin, habang ang pinakapopuladong lungsod at pangunahing sentrong pampananalapi nito'y Shanghai.
Ang Tsina ay pinamamahalaan ng Partidong Komunista ng Tsina, na may sakop sa 22 lalawigan, limáng awtonomong rehiyon, apat na munisipalidad na direktang-pinamamahalaan (Beijing, Tianjin, Shanghai, at Chongqing), at ang mga Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macau, at inaangkin din nito ang soberanya ng Taywan.
Ang kahalagan ng Tsina[4][5] sa daigdig ngayon ay mapapansin dahil sa kanilang bahaging ginagampanan bilang ikatlong pinakamalaking ekonomiya nominal (o ikalawang pinakamalaki kung babasihan ang purchasing power parity o PPP) at isang permanenteng kasapi ng Mga Nagkakaisang Bansa, Konsehong Panseguridad ng Mga Nagkakaisang Bansa at kasapi rin sila ng iba-ibang kapisanan katulad ng Kapisanan ng Pandaigdigang Kalakalan, APEC, Pulong-Panguluhan ng Silangang Asya, at Organisasyong Pagtutulungan ng Shanghai.
Ang mga pinakamahahalagang lungsod ayon sa populasyon ay Shanghai, Beijing, Guangzhou, Shenzhen, Hong Kong at Interyor Mongolya. Ang Beijing ang kasalukuyang kabisera ng bansa.