Tulay ng San Juanico San Juanico Bridge | |
---|---|
Ang tanawin ng Tulay ng San Juanico mula Samar patungong Leyte. | |
Nagdadala ng | dalawang linya ng trapikong pansasakyan; mga sidewalk para sa mga naglalakad |
Tumatawid sa | Kipot ng San Juanico |
Pook | Santa Rita, Samar at Tacloban, Leyte |
Pinanatili ng | Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan |
Disenyo | Hugis-arko na truss bridge |
Pinakamahabang kahabaan | 137 m (449 tal) [kailangan ng sanggunian] |
Kabuuang haba | 2,200 m (7,200 tal) |
Taas | 41 m (135 tal) |
Simulang petsa ng pagtatayo | 1969 |
Petsa ng pagtatapos sa pagtatayo | 1973 |
Mga koordinado | 11°18′10″N 124°58′19″E / 11.30278°N 124.97194°E |
Ang Tulay ng San Juanico (Ingles: San Juanico Bridge) ay ang tulay na pinagdudugtong ang mga pulo ng Leyte at Samar sa ibabaw ng Kipot ng San Juanico. Bahagi ito ng Pan-Philippine Highway, at may kabuuang haba itong 2,200 metro (7,200 talampakan)—ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas.[1] Ang tulay ay inihandog kay Imelda Marcos, asawa ni dating pangulong Ferdinand Marcos.[2]
Bahagyang nasira ang tulay nang nanalasa ang Bagyong Yolanda sa Silangang Kabisayaan noong Nobyembre 2013, subalit isinaayos ito muli pagkalipas.