Ang tunóg ay isang naglalakbay na alon o pagaspas, na isang osilasyon o pagpapabalik-balik ng presyong pinadaraan o dumaraan sa isang solido, likido, o gas, at binubuo ng mga frequency o pagpapaulit-ulit sa loob ng nasasakupan ng pandinig at may sapat na antas ng lakas upang marinig, o ang sensasyon o pag-igting na nagpapasigla sa mga organo ng pandinig dahil sa ganitong mga pagyanig o bibrasyon.[1] Kasingkahulugan o may kaugnayan ito sa mga salitang: pagukpok, haguthot, kugkog, kaluskos, kalatis, hagutak (ang tunog ng paglalakad sa putik), hagunghong (tunog ng rumaragasang tubig), lagunlong (tunog ng tagaktak ng isang talon), ingay, dagundong, at alingayngay.[2]