Ang turon[1], na kilala rin bilang lumpiyang saging o sagimis, ay isang Pilipinong pangmeryenda na gawa sa mga saging (mas angkop kung saba o kardaba) na hiniwa nang manipis, binalutan ng pambalot ng lumpiya, at pinirito hanggang malutong ang balat at pinahiran ng kinaramelisadong asukal na pula.[2] Maaari rin itong palamanan ng ibang pagkain. Pinakaraniwan ang langka, ngunit may mga resipi na nagsasahog ng kamote, mangga, kesong cheddar at buko.
Kahit nagmula ang salitang turon sa wikang Kastila, wala itong pagkakatulad sa kending Kastila na turrón (isang konpeksiyong gawa sa nugat na almendras).[3]