Republikang Filipino República Filipina
| |||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1899–1901 | |||||||||||
Kabisera | Malolos, Bulacan (opisyal) 23 Enero 1899 – 29 Marso 1899, San Isidro, Nueva Ecija, 29 Marso 1899 – 9 Mayo 1899, Palanan, Isabela, 6 Setyembre 1900 – 23 Marso 1901 | ||||||||||
Karaniwang wika | Kastila, Tagalog, at iba pang mga wika sa Pilipinas | ||||||||||
Pamahalaan | Unitaryong parlamentaryong republikang konstitusyonal | ||||||||||
Pangulo ng Republika | |||||||||||
• 1898–1901 | Emilio Aguinaldo | ||||||||||
Pangulo ng Konseho ng Pamahalaan | |||||||||||
• 1898–1899 | Apolinario Mabini | ||||||||||
• 1899 | Pedro A. Paterno | ||||||||||
Panahon | Himagsikang Pilipino | ||||||||||
• Itinatag | Enero 23 1899 | ||||||||||
• Binuwag¹ | Marso 23 1901 | ||||||||||
Lawak | |||||||||||
1898 | 198,000 km2 (76,000 mi kuw) | ||||||||||
Populasyon | |||||||||||
• 1898 | 7300000 | ||||||||||
Salapi | Piso | ||||||||||
| |||||||||||
¹ Paghuli kay Emilio Aguinaldo. |
Ang Unang Republikang Pilipino (opisyal na tinawag na República Filipina)[1] ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.
Ang pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mga Kastila. Ipinahayag ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang panghimagsikan na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 23, 1898. Nagkaroon ang republikang ito ng Kongreso na nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.