Ang uwit[1], pandagdag na bakal, karagdagang hero, o suplementong yero (Ingles: iron, iron supplement, iron pill, Blaud's pill) ay isang uri ng pagkain o gamot na pandagdag sa pagkain (mga suplementong pangdiyeta) na niririseta ng manggagamot, partikular na sa mga may kakulangan nito sa katawan, katulad ng anemya. Pangkaraniwang tinatawag din ito bilang mga pildoras ni Blaud sapagkat ipinakilala at unang ginamit ito ng manggagamot na si P. Blaud ng Beaucaire ng Pransiya para gamutin ang mga pasyenteng may karamdamang anemya.[2]