Hawayano | |
---|---|
ʻŌlelo Hawaiʻi | |
Rehiyon | Hawaiʻi: nakasentro sa pulo ng Niʻihau at Hawaiʻi, ngunit may mga tagapagsalita sa Kapuluang Hawayano at ng Estados Unidos |
Pangkat-etniko | Mga katutubong Hawayano |
Mga natibong tagapagsalita | 2,000 (1997)[1] hanggang 24,000+ (2006-2008)[2] |
Latin (Alpabetong Hawayano) | |
Opisyal na katayuan | |
Hawaiʻi (kasama ng Ingles) kinikilala bilang wika ng menoridad sa ilang bahagi ng: Estados Unidos | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | haw |
ISO 639-3 | haw |
ELP | Hawaiian |
Ang wikang Hawayano[3] (Hawayano: ʻŌlelo Hawaiʻi) ay isang katutubong wikang Awstronesyo (parehong pamilya ng wikang Tagalog) ng mga katutubong tao ng Kapuluan ng Haway at Polinesya. Opisyal na wika itong lengguwahe, kasama ang Ingles, sa Estado ng Haway. Ang wikang Hawayano ay importanteng parte ng Hawayanong kultura, musika, at iba pa, ngunit sa pribadong islang Niʻihau lamang ginagamit ang wikang ito araw-araw. Huwag ilito ang wikang Hawayano sa Kreyol ng Hawaiʻi na hango sa wikang Ingles.