Heorhiyano | |
---|---|
ქართული Kartuli | |
Katutubo sa | Heyorhiya, Rusya, Estados Unidos, Israel, Ukranya, Turkiya, Iran, Aserbayan. |
Mga natibong tagapagsalita | 4 na milyon[1] |
Timog Kawkasiyano o Kartbeliyano
| |
Alpabetong Heorhiyano | |
Opisyal na katayuan | |
![]() | |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | ka |
ISO 639-2 | geo (B) kat (T) |
ISO 639-3 | kat |
Ang Wikang Heorhiyano (ქართული ენა, kartuli ena) ay ang katutubong wika ng mga Heorhiyano at ang wikang opisyal ng Heorhiya, isang bansa sa Kawkaso na nasa Gitnang Silangan.
Ginagamit ito ng 3.9 milyong katao sa Heorhiya mismo, at ng 500,000 tao sa labas ng bansa (na nasa Turkiya, Iran, Rusya, Estados Unidos, at sa mga bansa sa Europa). Isa itong wikang pampanitikan para sa lahat ng pangkat etniko sa Heyorhiya, kabilang na ang mga tagapagsalita ng mga Wikang Timog Kawkasiyano o Kartbeliyan, gaya ng mga wikang Svan, Mingreliyano, at Laz. Itinuturing na hiwalay sa Wikang Ebreo ang mga wikang Hudyo-Heorhiyano na ginagamit ng 20,000 katao sa Heyorhiya at 60,000 sa Israel.