Nangangailangan pong patunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ng sanggunian. (Setyembre 2010)
Makakatulong po sa pagpapabuti nito ang pagdadagdag ng mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na maaaring balaan o maalis ang mga impormasyong walang sanggunian. |
Iloko | |
---|---|
Iluko, Ilokano, Ilocano | |
Katutubo sa | Pilipinas Estados Unidos |
Rehiyon | Hilagang Luzon |
Mga natibong tagapagsalita | 7.7 milyon, 2.3 milyon ikalawang wika = 10 milyon kabuuan; ikatlong pinakaginagamit na wika sa Pilipinas[1] |
Austronesyo
| |
Latin (Abakada o Alpabetong Filipino); Sa kasaysayan, isinusulat sa Baybayin | |
Opisyal na katayuan | |
Rehiyonal na wika sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | ilo |
ISO 639-3 | ilo |
Ang lugar na nasasakupan ng wikang Ilokano |
Ang Iloko (o Iluko, maaari ring Ilokano o Ilocano) ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang wikang gamit (lingguwa prangka) ng halos kabuuan ng Hilagang Luzon lalo na sa Rehiyon ng Ilocos, sa Lambak ng Cagayan at sa maraming bahagi ng Abra at Pangasinan. Marami ring mga nagsasalita ng Iloko sa Nueva Ecija, Tarlac, Mindoro at sa ilang lalawigan sa Mindanao.
Tinatayang may mahigit 9 milyong gumagamit ng wikang Iloko sa Pilipinas.
Maraming bahagi ng mundo, kung saan nadako at namamalagi ang mga Ilokano, ang katatagpuan din ng malaking bahagdan ng mga nagsasalita ng Iloko katulad sa mga estado ng Hawaii at California sa Amerika.