Waray-Waray | |
---|---|
Winaray | |
Katutubo sa | ![]() |
Rehiyon | Silangang Kabisayaan |
Mga natibong tagapagsalita | 3.1 milyon |
Latin (Alpabetong Filipino); Baybayin (napaglumaang paggamit) | |
Opisyal na katayuan | |
Kinikilalang wikang pangrehiyon sa Pilipinas | |
Pinapamahalaan ng | Komisyon sa Wikang Filipino |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-2 | war |
ISO 639-3 | war |
![]() Kalaganapan ng mga taal na mananalita ng Waray-Waray. |
Ang Wináray, Win-áray, Waráy-Wáray o Waráy (karaniwang binabaybay bilang Waray; tinatawag ding L(in)eyte-Samarnon) ay ang pinakasinasalitang wika sa mga lalawigan ng Samar, Hilagang Samar, Silangang Samar, Leyte (silangang bahagi), at Biliran sa Pilipinas.
Ang mga wikang Waray ay binubuo ng Waray-Waray, Waray ng Sorsogon, at Waray ng Masbate-Sorsogon. Bisakol ang minsang itinatawag sa Waray ng Sorsogon at ng Masbate-Sorsogon dahil halo ang mga ito ng Bisaya at Bikol. Lahat ng wikang Waray ay ibinibilang sa mga wika ng Kabisayaan at may malaking pagkakatulad sa Hiligaynon at Masbatenyo.
Bagama’t may pagtatalo, ang Samarnon-Lineyte ay tinatawag lamang na Waray dahil iisa lamang wikang sinasalita nila. Gayon pa man, nagkakaiba ang pananalita nila sa kayarian ng pangungusap. Dahil dito ay may matatawag na Waray na Samarnon at Waray na Lineyte. Ganito man ay nananatili pa rin ang kanilang wikang Waray bilang pangunahing wika ng talastasan saan man manggaling sa mga nabanggit na lalawigan.