Sa pangkalahatng gamit, ang yerba,[1] tinatawag din bilang damong-gamot,[2] halamang-damo,[3] o damong-ipinanggagamot[2] (Ingles: herb), ay isang pangkat ng mga halaman na malawak na nakakalat at laganap, na hindi kabilang ang gulay at ibang mga halaman na kinukonsumo para sa makronutriyente, na may malasa at aromatikong katangian na ginagamit bilang pampalasa at pag-adorno ng pagkain, panggamot, o panghalimuyak. Tipikal na pinagkakaiba ang yerba sa panimpla o espesya kapag ginagamit sa pagluluto. Pangkalahatang tumutukoy ang yerba sa luntiang dahon o bahagi ng halaman na namumulaklak (sariwa o pinatuyo), habang ang espesya ay kadalasang tuyo at kinukuha mula sa ibang bahagi ng halaman, kabilang ang buto, banakal, ugat, at bunga.
May iba't ibang gamit ang yerba kabilang ang pagluluto, panggamot, aromatiko, at sa ilang kaso, espirtuwal. Sa botanika, tinutukoy ng yerba ang isang halamang mala-damo (o herbaceous),[4] na binibigyan kahulugan bilang isang maliit na nagdadala ng binhi na walang tangkay na makahoy na lahat ng mga bahagi sa himpapawid (i.e., sa taas ng lupa) ay namamatay sa lupa sa dulo ng bawat panahon ng paglago.[5]