Ang abiohenesis o abiyohenesis o sa Ingles, abiogenesis /ˌeɪbʌɪə(ʊ)ˈdʒɛnɪsɪs/ [1] o biopoiesis /ˌbaɪəʊpɔɪˈiːsɪs/, ang natural na proseso na nagpalitaw sa buhay sa mundo mula sa mga simpleng kompuwestong organiko.[2][3][4][5] Ang pinakamaagang buhay sa mundo ay lumiaw noong mga 3.5 bilyong taong nakakaraan[6][7][8] sa panahong Eoarchean nang ang sapat na crust ay naging solido kasunod ng tunaw na panahong Hadean.
Ang mga hipotesis na siyentipiko tungkol sa mga pinagmulan ng buhay sa mundo ay mahahati sa ilang mga kategorya. Ang karamihan ng mga pamamaraan ay nag-iimbestiga kung paanong ang mga molekulang nag-rereplika sa kanilang sarili o kanilang mga sangkap ay lumitaw. Halimbawa nito ang eksperimentong Miller-Urey at mga katulad na eksperimento na nagpakitang ang karamihan ng mga asidong amino na kadalasang tinatawag na "mga pantayong bloke ng buhay" ay maaaring ma-synthesize ng racemiko sa mga kondisyong pinaniniwalaang katulad sa kondisyon ng maagang nabuong mundo. Ang ilang mga mekanismo ay inimbestigahan kabilang ang kidlat at radyasyon. Ang ibang mag pamamaraan ay nakatuon sa pag-unaw kung paanong ang catalysis ng mga sistemang kimikal sa maagang mundo ay maaaring nagbigay ng mga prekursor na molekular na kailangan para sa pagrereplika sa sarili.