Ang abo ng bulkan ay binubuo ng mga bahagi ng bato, mineral na kristal, at salaming bulkaniko. Nalilikha ito sa pagsabog ng bulkan, at karaniwang may sukat na bababa sa 2 mm (0.079 na pulgada) ang diyametro.[1] Karaniwan ding ginagamit ang terminong abo ng bulkan upang bigyan ng tukoy ang lahat ng mga produkto mula sa pagsabog ng bulkan (ngunit ang tamang tukoy ay tephra), kabilang ang mga partikula na mas malaki ang sukat sa 2 mm. Nabubuo ang abo ng bulkan sa panahon ng pagsabog ng bulkan kapag lumalago ang mga gas na natunaw sa magma, at marahas na kumakalat sa atmospera. Ang mga pira-piraso ng bato at salaming bulkaniko ay ang mga produkto ng pwersa ng mga gas na bumabasag sa magma at nagtutulak nito sa atmospera. Maaari rin malikha ang abo sa pamamagitan ng paglapat ng magma sa tubig tuwing nagkakaroon ng phreatomagmatic eruptions, na nagiging dahilan ng marahas na singaw ng tubig, kung kaya nababasag ang magma. Sa oras na nasa himpapawid ang abo, nadadala ito ng hangin na may libong kilometro ang layo.