Si Achilles, Aquiles, o Aquileo (kilala rin bilang Akhilleus o Achilleus; Griyego: Ἀχιλλεύς) ay isang Griyegong bayani ng Digmaang Trohano, at pangunahing tauhang mandirigma sa Iliada ni Homero. Siya ang lalaking anak ni Peleus at ng nereid na si Thetis.[1]. Mayroon siyang anak na lalaki mula sa pakikipag-ugnayan niya kay Deidamea, na nagngangalang Neoptolemus. Isa sa mga katangian ni Achilles ang pagiging pinakakakabigha-bighaning sa mga lalaking bayaning tinipon laban s Troya, at siya ring pinakamagiting at pinakamagaling.[2]
Noong sanggol pa lamang si Achilles, nalalaman na ng kanyang ina na isa siya sa mga mandirigmang ipadadala sa Digmaan ng Troya. Nababatid niyang mamamatay ito sa labanang iyon. Ninais ng ina niya na mapunta si Achilles sa digmaan. Kaya't isinawsaw siya ng kanyang ina sa Ilog ng Styx upang mapananggalang ang katawan ni Achilles mula sa lahat ng anumang pagkasugat. Tinanganan siya ng kanyang ina sa isang sakong, kaya't tanging ang ibang mga bahagi lamang ng kanyang katawan ang nababad sa tubig ng Ilog ng Styx. Tanging isang sakong lamang ni Achilles ang walang proteksiyon laban sa mga sandata. Sa kabila ng ginawang ito ng kanyang ina, nagpasiya pa rin si Achilles, noong malaki na siya, na makilahok sa digmaan sa Troya. Sa huli, napatay siya nang tamaan ng palaso ni Paris ang sakong ni Achilles.[3]
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 366.