Adbiyento | |
---|---|
Ipinagdiriwang ng | Mga Kristiyano |
Uri | Kristiyano, pangkultura |
Kahalagahan | Paghahanda para sa paggunita sa Kapanganakan ni Hesus |
Dalas | Taunan |
Ang Adbiyento o Pagdating ay ang apat na linggo ng paghahanda bago dumating ang araw ng Pasko sa pananampalatayang Kristiyano.[1] Pasimula ito ng taon ng liturhiya sa Kristiyanismong Kanluranin.
Nagmula ang pangalang Adbiyento sa salitang adventus, "pagdating" sa wikang Latin, na isinalin mula sa salitang parousia sa wikang Griyego. Sa Bagong Tipan, ginamit ang salitang ito para sa Ikalawang Pagbabalik ni Kristo. Kaya, inaasam sa panahon ng Adbiyento sa kalendaryong Kristiyano ang "pagdating ni Kristo" mula sa tatlong magkakaibang pananaw: ang pisikal na kapanganakan sa Belen, ang pagtanggap kay Kristo sa puso ng mananampalataya, at ang eskatolohikong Ikalawang Pagdating.[2]
Kabilang sa mga kaugaliang nauugnay sa Adbiyento ang mga kalendaryo ng Adbiyento, pagsindi ng korona ng Adbiyento, pagdarasal ng pang-Adbiyentong debosyon araw-araw,[3] pagtayo ng puno ng Pasko o puno ng Chrismon,[3] pagsindi ng Christingle,[4] pati na rin ang mga ibang paraan ng paghahanda para sa Pasko, kagaya ng pag-aayos ng mga palamuting pamasko,[5][6][7] isang kaugalian na ginagawa minsan sa liturhikal na paraan sa seremonya ng pagbitin ng mga halaman.[3][8]
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
May samu't saring mga gawain sa pagsamba para makapagdiwang ng Adbiyento ang isang kongregasyon: pagsindi ng korona ng adbiyento, pagbitin ng mga halaman, isang punong Chrismon, at isang pang-Adbiyentong buklet sa pagdarasal. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Nagdaraos ang maraming simbahan ng Christingle tuwing Adbiyento. Binibigyan ang mga bata ng Christingle. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Adbiyento – Ipinagdiriwang ang apat na linggo bago ang Pasko sa pagbibilang ng mga araw gamit ang kalendaryo ng adbiyento, sa pagsasabit ng mga palamuting pamasko at sa pagsindi ng karagdagang kandila bawat Linggo sa korona ng adbiyento na may apat na kandila. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sa Suwesya, nagsisimula ang Pasko sa Adbiyento, kung saan hinihintay ang pagdating ni Hesus. Ang simbolo para rito ang kandelero ng Adbiyento na may apat na kandila, at nagsisindi kami ng isa pang kandila para sa bawat isa sa apat na Linggo bago ang Pasko. Nag-uumpisa ang karamihan ng tao sa pagpapalamuting-pamasko sa simula ng Adbiyento. (Isinalin mula sa Ingles)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Isa pang sikat na aktibidad ang "Pagbibitin ng Halaman," isang serbisyo kung saan pinapalamutian ang santuwaryo para sa Pasko.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)