Ang agham (mula sa Sanskrito: आगम, āgama) , kilala rin sa tawag na siyensiya (mula sa Kastila: ciencia), ay kapwa ang proseso sa pagtamo ng kaalaman at ang organisadong bahagi ng kaalaman na natamo sa pamamagitan ng pamamaraan nito. Ang prosesong makaagham (scientific process) ay ang sistematikong pagtamo ng bagong kaalaman tungkol sa isang sistema. Karaniwan, ang pamamaraang makaagham (scientific method) ay ang sistematikong pagtamo, at ang kalikasan at iba't ibang bahagi nito ang siyang sistema. Ang agham ay itinuturing din na ang makaagham na kaalaman na sistemikong natamo ng makaagham.