Ahas

Ahas
Temporal na saklaw: Simulang Kretaseyoso - Kamakailan
112–0 Ma

Iba't-ibang uri ng mga ahas
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Reptilia
Orden: Squamata
Klado: Ophidia
Suborden: Serpentes
Linnaeus, 1758
Infraorders and Families
Maliit na ahas mula sa bundok ng isarog, Bicol

Ang ahas (Ingles: snake o serpent) ang mahaba at walang hitang mga reptilyang karnibora ng suborden na Serpentes. Ito ay maitatangi mula sa mga butiking walang hita sa kawalan ng mga takipmata (eyelid) at panlabas na tenga sa mga ahas. Tulad ng lahat ng kasapi ng Squamata, ang mga ahas ay ektotermiko, amniotang mga bertebrata na natatakpan ng mga kaliskis. Maraming mga espesye ng ahas ay may bungo na mas maraming mga dugtong kesa sa mga ninuno nitong butiki. Ito ay pumapayag sa mga ito na makalunok ng sinisinilang hayop na mas malaki sa mga ulo nito na may mataas na magagalaw na mga panga nito. Upang makaangkop sa mga makikitid na katawan nito, ang mga magkapares na organo ng mga ahas gaya ng bato ay nasa harap ang isa kesa magkatabi at ang karamihan ng mga espesye nito ay may isa lamang gumaganang baga. Ang ilang espesye ng ahas ay nakapagpanatili ng isang butong pelvis na may isang pares ng mga kukong bestihiyal sa alinmang panig ng cloaca. Ang mga nabubuhay na ahas ay matatagpuan sa bawat kontinente ng mundo maliban sa Antarctica, sa Karagatang Pasipiko at Indiyano at sa karamihan ng mas maliliit na mga masa ng lupain. Ang mga eksepsiyon dito ang ilang malalaking mga isla gaya ng Ireland at New Zealand at marami pang maliliit na mga isa sa Atlantiko at sentral Pasipiko.[1] Ang higit sa 20 pamilya ng ahas ay kasalukuyang kinikilala na binubuo ng mga 500 henera at mga 3,400 espesye.[2][3] Ang mga ito ay may sukat mula maliit na may habang 10 cm gaya ng ahas na sinulid hanggang sa sawang retikulado na umaabot hanggang 8.7 metro (29 tal) ang haba.[4][5] Ang espesyeng fossil na Titanoboa ay may habang 15 metro (49 tal). Ang mga ahas ay pinaniniwalaang nag-ebolb mula sa mga butiking naglulungga o nabubuhay sa tubig sa panahong Gitnang Kretaseyoso. Ang pinakaunang fossil ay may petsang mga 112 milyong taon ang nakalilipas. Ang dibersidad ng mga modernong ahas ay lumitaw sa panahong Paleoseno mga 66 hanggang 56 milyong taon ang nakalilipas. Ang karamihan sa mga espesye ng ahas ay walang kamandag at ang mga merong kamandag ay pangunahing gumagamit nito upang patayin at pasukuin ang sinisila nito kesa sa pagtatanggol sa sarili. Ang ilang espesye ng ahas ay may mga kamandag na sapat na malakas upang magsanhi ng sakit o kamatayan sa mga tao. Ang mga hindi makamandag na ahas ay buhay na lumulunok ng mga sinisila nito at pumapatay sa pamamagitan ng konstriksiyon.

  1. Bauchot, Roland (1994). Snakes: A Natural History. New York City, NY, USA: Sterling Publishing Co., Inc. pp. 220. ISBN 1-4027-3181-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Serpentes". Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 3 Disyembre 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. snake species list at the Reptile Database. Accessed 22 Mayo 2012.
  4. Murphy; Henderson, JC; RW (1997). Tales of Giant Snakes: A Historical Natural History of Anacondas and Pythons. Florida, USA: Krieger Pub. Co. p. 221. ISBN 0-89464-995-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  5. Mehrtens, JM (1987). Living Snakes of the World in Color. New York City, NY, USA: Sterling Publishers. pp. 480. ISBN 0-8069-6460-X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Ahas

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne