Alpabetong Arabe | |
---|---|
Uri | Abyad |
Mga wika | Arabe |
Panahon | Ika-3 o ika-4 na siglo PK hanggang kasalukuyan |
Mga magulang na sistema | |
ISO 15924 | Arab, 160 |
Direksyon | Kanan-kaliwa |
Alyas-Unicode | Arabic |
Lawak ng Unicode |
|
PAALALA: Maaaring naglalaman ang pahinang ito ng mga simbolong pamponetikong IPA. |
Ang Alpabetong Arabe (Arabe: الْأَبْجَدِيَّة الْعَرَبِيَّة, al-abjadīyah l-ʿarabīyah o الْحُرُوف الْعَرَبِيَّة, al-ḥurūf l-ʿarabīyah), o Arabeng abyad, ay ang sulat Arabe na kinodipika para sa pagsusulat ng wikang Arabe. Isinusulat ito mula kanan pakaliwa nang kabit-kabit at naglalaman ito ng 28 titik. Nagbabago ang anyo ng karamihan sa mga titik nito depende sa posisyon nito sa isang salita.
Itinuturing na abyad, mga sistema ng panulat na gumagamit lamang mga katinig, ang alpabetong Arabe, ngunit itinuturing ito sa ngayon bilang isang "di-purong abyad."[1] Tulad ng mga sistemang nasa di ring puro kagaya ng alpabetong Ebreo, naglikha ang mga eskriba kalaunan ng paraan upang magpahiwatig ng tunog-patinig sa pamamagitan ng hiwalay na tuldik.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)