Ang alpabetong Siriliko (o azbuka, mula sa mga lumang pangalan ng mga unang titik) ay isang alpabetong ginagamit sa pagsusulat ng anim na natural na wikang Islabo (Biyeloruso, Bulgaro, Masedonyo, Ruso, Serbiyo, at Ukranyo) at ng mga iba’t iba pang wika ng dating Unyong Sobyet (Tayiko),[1] Asya (Monggol), at Silangang Europa. Hindi lahat ng mga titik sa alpabetong Siriliko ay ginagamit sa isa't-isang wika na nakasulat kasama ang alpabetong ito.