![]() | |
Screenshot ![]() Screenshot ng Android 14 home screen sa Google Pixel | |
Gumawa | |
---|---|
Sinulat sa | Java (UI), C (core), C++ and others[kailangan ng sanggunian] |
Pamilya | Unix-like (modified Linux kernel) |
Estado ng paggana | Kasalukuyan |
Modelo ng pinaggalingan | Open source (most devices include proprietary components, such as Google Play) |
Unang labas | 23 Setyembre 2008[kailangan ng sanggunian] |
Pinakabagong labas | Android 15 / 15 Oktubre 2024 |
Pinakabagong pasilip | Android 16: Developer Preview 1.0 / 19 Nobyembre 2024 |
Repositoryo | |
Layunin ng pagbenta | Smartphones, tablet computers, smart TVs (Android TV), Android Auto and smartwatches (Wear OS) |
Magagamit sa | 100+ (na) wika[kailangan ng sanggunian], including Filipino |
Paraan ng pag-update | Over-the-air |
Package manager | APK-based |
Plataporma | 64- and 32-bit (32-bit only apps being dropped in 2021) ARM, x86 and x86-64, unofficial RISC-V support |
Uri ng kernel | Linux kernel |
Userland | Bionic libc,[kailangan ng sanggunian] mksh shell,[kailangan ng sanggunian] Toybox as core utilities (beginning with Android 6.0)[kailangan ng sanggunian] |
User interface | Graphical (multi-touch) |
Lisensiya |
|
Opisyal na website | android.com |
Estado ng suporta | |
Supportado |
Ang Android ay isang operating system na Linux-based na dinisenyo para sa mga touchscreen na mga mobile na device tulad ng mga smartphone at mga tablet. Sa una binuo ito ng Android, Inc., na binili ng Google noong 2005, ang Android ay nahayag noong 2007 kasama ang pagtataguyod ng Open Handset Alliance: isang kasunduan ng hardware, software, at telecommunication na kompanya na nakatuon sa pagsulong ng mga bukas na pamantayan para sa mga mobile na device. Ang unang phone na Android ay nabenta noong Oktubre 2008.
Ang Android ay open-source at ang Google ay naglabas ng code sa pamamagitan ng Apache License. Itong code na open-source at paglilisensyang mapagpahintulot ay nagbibigay-daan sa software upang ma-modify na malaya at maibigay ng mga tagagawa ng mga device, mga wireless carrier at mga developer na enthusiast. Bukod pa rito, ang Android ay may malaking komunidad ng mga developer na nagsusulat ng mga application na extend ang functionality ng mga device na nakasulat sa isang customized na bersyon ng Java programming language. Noong Oktubre 2012, mayroong 700,000 apps na magagamit para sa Android, at ang tinatayang bilang ng mga application na-download mula sa Google Play, ang pangunahing tindahan ng mga app ng Android, ay 25 bilyon. Ang isang developer survey na isinagawa noong Abril - Mayo 2013 ay nahanap na ang Android ay ang pinakasikat na plataporma para sa mga developer, nagamit ng 71% ng populasyon ng mga mobile developer.