Ang Geiger-cars, na nag-aangkat ng mga kotse mula sa Hilagang Amerika patungo sa Europa, ay tinatawag na taga-angkat.[1][2]
Ang angkat o import ay ang bansang tumatanggap ng isang luwas mula sa nagpadalang bansa.[3] Ang pag-aangkat at pagluluwas ang mga itinuturing na transaksyong pinansiyal ng kalakalang internasyonal.[4] Bahagi ang angkat ng kalakalang internasyonal na kinabibilangan ng pagbili at pagtanggap ng mga produkto o serbisyong ginawa sa ibang bansa.[5] Tinatawag na tagaluwas o ekspotador ang nagbebenta ng mga naturang kalakal at serbisyo, habang kilala bilang taga-angkat o importador ang dayuhang mamimili.[6]
Sa pandaigdigang kalakalan, nililimitahan ng mga kota sa pag-angkat at mga mandato ng awtoridad sa adwana ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal.[7] Maaaring magpataw ang mga hurisdiksiyong nag-aangkat at nagluluwas ng taripa (buwis) sa mga produkto.[8] Bukod dito, napapailalim ang pag-aangkat at pagluluwas ng mga kalakal sa mga kasunduang pangkalakalan ng mga hurisdiksiyong nag-aangkat at nagluluwas.
↑Singh, Rakesh Mohan, (2009) International Business [Negosyong Pandaigdigan] (sa wikang Ingles), Oxford University Press, New Delhi and New York ISBN0-19-568909-7
↑Srivastava, Dr Sandhya (2020-08-06). Export Import Documentation (For MBA) [Dokumentasyon ng Luwas-Angkat (Para sa MBA)] (sa wikang Ingles). Shanti Publication. p. 2.