Antipolo

Antipolo

Lungsod ng Antipolo
City of Antipolo
Opisyal na sagisag ng Antipolo
Sagisag
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo.
Mapa ng Rizal na nagpapakita ng lokasyon ng Lungsod ng Antipolo.
Map
Antipolo is located in Pilipinas
Antipolo
Antipolo
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado: 14°35′03″N 121°10′35″E / 14.584244°N 121.176289°E / 14.584244; 121.176289
Bansa Pilipinas
RehiyonCalabarzon (Rehiyong IV-A)
LalawiganRizal
DistritoUna hanggang pangalawang Distrito ng Antipolo
Mga barangay16 (alamin)
Pagkatatag1650, 4 Abril 1998
Ganap na Lungsod4 Abril 1998
Pamahalaan
 • Punong LungsodAndrea "Andeng" Bautista-Ynares
 • Manghalalal471,250 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan306.10 km2 (118.19 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan887,399
 • Kapal2,900/km2 (7,500/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
208,324
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-1 klase ng kita ng lungsod
 • Antas ng kahirapan9.29% (2021)[2]
 • Kita(2022)
 • Aset(2022)
 • Pananagutan(2022)
 • Paggasta(2022)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong Pangsulat
1870
PSGC
045802000
Kodigong pantawag2
Uri ng klimaTropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Remontado Agta
wikang Tagalog
Websaytantipolo.ph

Ang Antipolo (pagbigkas: án•ti•pó•lo) ay isang lungsod at kabisera ng lalawigan ng Rizal, Pilipinas. Ito ay matatagpuan 25 km sa silangan ng Maynila. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 887,399 sa may 208,324 na kabahayan. Ito ang pinakamataong lungsod sa Luzon sa labas ng Kalakhang Maynila at ika-pito naman sa buong bansa.[3]

Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 8508,[4] naging kabahaging lungsod ng Rizal ang Antipolo noong 4 Abril 1998 mula sa pagiging isang bayan ng naturang lalawigan. Pinasinayaan ang bagong kapitolyo ng Rizal sa lungsod noong Marso 2009, upang palitan ang kapitolyo nito sa Pasig na matagal nang nasa labas ng hurisdiksiyon ng lalawigan mula pa noong 1975 nang maging bahagi ng Kalakhang Maynila ang Pasig. Sa paglipat ng kapitolyo sa Antipolo, napipisil itong hirangin bilang bagong kabisera ng lalawigan.[5] Sa huli, sa ilalim ng Batas Republika Blg. 11475, opisyal nang naging kabisera ng Rizal ang Antipolo noong Hulyo 7, 2020.[6] Ipinroklama bilang isang lubos na urbanisadong lungsod ni Pangulong Benigno Aquino III ang Antipolo noong 14 Marso 2011, ngunit ipinagpaliban sa 'di pa tiyak na panahon ang plebisito upang magkabisa ang nasabing proklamasyon.[7][8]

Marahil na rin sa katanyagan ng Antipolo sa mga manlalakbay kaya't ipinakikilala ito bilang "Kabisera ng Paglalakbay sa Pilipinas".[9] Ang imahen ng Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay o Birhen ng Antipolo na nagbuhat pa sa Mexico noong 1626 at idinambana sa Simbahan ng Antipolo ay patuloy na dinadayo ng mga Pilipinong Katoliko mula pa noong panahon ng mga Espanyol.[10] Isa sa mga nakagawian ng mga milyun-milyong manlalakbay[11] sa dambana ng Birhen ng Antipolo ay ang paglahok sa taunang "Alay Lakad" na ginaganap tuwing bisperas ng Biyernes Santo at Mayo 1. Kung saan magmula sa Simbahan ng Quiapo, kasunod ng ipinuprusisyong imahen ng Birhen ng Antipolo, at iba't-ibang bayan ng Rizal at Kalakhang Maynila ang mga deboto ay naglalakad lamang patungo sa Simbahan ng Antipolo. Nakagawian rin na ipinapabendisyon ang mga bagong sasakyan sa simbahan, sa paniwalang ito'y magbibigay proteksiyon at kaligtasan sa sasakyan at sa mga sasakay rito.[12]

Ang mas mataas na kinatatayuan ng lungsod kumpara sa Kalakhang Maynila ay nagbibigay rito ng magandang tanawin ng Kamaynilaan, lalo na tuwing gabi. Popular sa mga dayo ang lokal na mangga, kasoy at suman. Ang dating sikat na Hinulugan Taktak, na dati-rati'y isa sa mga pangunahing dinarayo tuwing tag-init, ay pinagaganda upang muling maging isa sa mga pangunahing atraksiyon ng lungsod.[13]

  1. "Province: Rizal". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
  2. "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
  3. 2007 Census of Population. National Statistics Office. Naka-arkibo 2008-11-20 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  4. Charter of the City of Antipolo (Republic Act No. 8508). Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
  5. Galvez, James Konstantin. "Board wants Antipolo officially named capital of Rizal". Manila Times, 3 Marso 2009. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  6. Aguilar, Krissy (June 22, 2020). "Duterte transfers capital, seat of gov't of Rizal from Pasig City to Antipolo City". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong June 22, 2020.
  7. Andrade, Nel. "Antipolo City's urbanization put on hold temporarily." Manila Bulletin, 6 Abril 2011. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  8. "Plebisito para maging highly urbanized city ang Antipolo, ipinagpaliban". Philippine Information Agency. 31 Mayo 2011. Hinango noong 3 Disyembre 2011.
  9. Antipolo City's Official Seal. Antipolo.gov.ph. Naka-arkibo 2011-11-13 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  10. Antipolocity.com. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  11. Andrade, Nel. "Thousands flood Antipolo for ‘Alay Lakad’ tradition." Manila Bulletin, 22 Abril 2011.[patay na link] Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  12. New Car Blessing at Antipolo Church. Philippine Travel Blog, 9 Oktubre 2006. Naka-arkibo 2009-08-19 sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)
  13. Tandoc, Edson Jr. "Hinulugang Taktak gets a P100-M makeover." Inquirer.net, 30 Agosto 2009. Naka-arkibo 29 October 2013[Date mismatch] sa Wayback Machine. Hinango noong 3 Disyembre 2011. (sa Ingles)

Antipolo

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne