Ang antropolohiyang pangkultura o antropolohiyang pangkalinangan (Ingles: cultural anthropology) ay isang sangay ng antropolohiya na nakatuon sa pag-aaral ng kasamu't sariang pangkultura sa mga tao, na nagtitipon ng mga dato hinggil sa epekto ng pangglobong mga proseso na pang-ekonomiya at pampolitika sa lokal na mga katotohanang pangkultura. Gumagamit ang mga antropologo ng mga paraan, kabilang na ang obserbasyon ng partisipante (pagmamasid ng kalahok), mga panayam, at mga surbey na pang-estadistika. Ang kanilang pananaliksik ay kadalasang tinatawag na gawaing panlarangan dahil kinasasangkutan ito ng paglalagi ng mga antropologo nang matagalan sa lugar ng pananaliksik.[1]