Ang Android Package na may ekstensyong apk ng file[1] ay ang pormat ng file na ginagamit ng operating system na Android, at ilang iba pang mga operating system na nakabase sa Android para sa pamamahagi at pag-install ng mga mobile app, mobile na laro at middleware. Ang isang file na gumagamit ng pormat na ito ay maaaring buuin mula sa kodigong pinagmulan o source code na nakasulat sa alinman sa Java o Kotlin.
Maaaring mabuo at malagdaan ang mga APK file mula sa Android App Bundles.[2]