Ang araw (sagisag: ) ay ang bituin na nasa gitna ng sistemang solar. Sa ating sangkaarawan, ang araw ay nag-iisang bituin na nasa gitna ng walong planetang nagsisilibot dito, kasama na sa mga lumilibot ay ang Daigdig. Kasama sa walong planetang nagsisilibot sa araw ay ang iba pang mga bagay, tulad ng mga asteroyd, kometa, at alikabok.
Hidroheno, helyo, at mga bakas ng iilang mga bagay tulad ng bakal, nikel, oksiheno, silikon, asupre, magnesiyo, neon, kalsiyo, at kromyo. Ang araw ay mayroong init na 5780K, na nagbibigay rito ng puting kulay, na kadalasang nakikitang dilaw mula sa Daigdig dahil sa paghihiwalay sa himpapawid, na siyang nagbabawas mula sa mga maiigsing liboyhaba ng ilaw, tulad ng bughaw at lila, na nag-iiwan ng mga frequency na nakikita ng mata bilang dilaw. Itong paghihiwalay na ito ang nagbibigay sa kalawakan ng bughaw nitong kulay. Kapag ang araw ay mababa sa kalawakan,tulad na lang tuwing bukangliwayway at takipsilim, mas marami pang ilaw ang napaghihiwalay, kaya ang kalawaka'y nagmumukhang pula o kulay kahel
Ang enerhiyang mula sa araw sa anyong ilaw at init ang siyang nagpapatakbo ng photosynthesis na siyang nagpatatakbo ng buhay sa Daigdig, at siyang nagpapatakbo ng panahon at mga klima sa naturang buntala.