Aritmetika

Ang aritmetika, kilala rin sa tawag na bilnuran at palatuusan, ay isang sangay ng matematika na nag-aaral sa mga bilang, lalo na sa mga tradisyonal na operasyon sa kanila— pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, paghahati, pagpapalakas, at pag-uugat.[1] Itinuturing ito na mababang bahagi ng teorya ng bilang, kung saan kinilala ang nasabing teorya bilang isa sa mga pinakamatataas na bahagi ng modernong matematika, kasama ng alhebra, heometriya, at pagsusuri.[2]

Ang salitang aritmetika ay galing sa Espanyol na aritmética,[3] na nanggaling naman sa Latin na arithmetĭcus, na mula naman sa Griyegong ἀριθμητικός, na nangunguhulugang naman na "bilang".[4]

  1. "Arithmetic" [Aritmetika]. Encyclopedia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 2, 2020.
  2. Davenport, Harold (1999). The Higher Arithmetic: An Introduction to the Theory of Numbers [Ang Mataas na Aritmetika: Panimula sa Teorya ng Bilang] (ika-7 (na) edisyon). Cambridge, Reyno Unido: Cambridge University Press. ISBN 0-521-63446-6.
  3. "aritmetika". Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong Disyembre 2, 2020.
  4. "aritmético, aritmética". Real Academia Española (sa wikang Kastila). Nakuha noong Disyembre 2, 2020.

Aritmetika

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne