Astana | ||
---|---|---|
Tanawin ng kabayanan ng Astana Tanawin ng kabayanan ng Astana | ||
| ||
Mga koordinado: 51°10′N 71°26′E / 51.167°N 71.433°E | ||
Bansa | Kazakhstan | |
Itinatag | 1830 (bilang Akmoly)[1] | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Alkalde–Konseho | |
• Konseho | Sangguniang Panlungsod ng Nur-Sultan | |
• Aklkalde | Altay Kulginov | |
Lawak | ||
• Kabisera at Lungsod | 810.2 km2 (312.8 milya kuwadrado) | |
Taas | 347 m (1,138 tal) | |
Populasyon (1 Disyembre 2017)[2] | ||
• Kabisera at Lungsod | 1,029,556 | |
• Kapal | 1,300/km2 (3,300/milya kuwadrado) | |
• Metro | 1,200,000 | |
Sona ng oras | UTC+6 (ALMT) | |
Kodigong postal | 010000–010015[4] | |
Kodigo ng lugar | +7 7172[5] | |
ISO 3166-2 | AST[6] | |
Plaka ng sasakyan | 01, Z | |
Websayt | gov.kz/memleket/entities/astana |
Ang Astana[a] (Kazakh and Ruso: Астана), ay ang kabisera ng Kazakhstan. Matatagpuan ito sa mga pampang ng Ilog Ishim sa hilagang bahagi ng bansa, sa loob ng Rehiyon ng Akmola, bagamat hiwalay sa rehiyon ang pamamahala na may natatanging katayuan. Ang opisyal na pagtataya ng populasyon noong 2017 ay 1,029,556 katao sa loob ng mga hangganan ng lungsod, kaya ito ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Kazakhstan, kasunod ng Almaty na kabisera ng bansa mula 1991 hanggang 1997.[2]
Naging kabisera ng Kazakhstan ang Astana noong 1997, at mula noon umunlad ito sa ekonomiya upang maging isa sa pinakamakabagong lungsod sa Gitnang Asya.[10][11]
Ang makabagong Astana ay isang planadong lungsod, tulad ng ibang mga nakaplanong kabisera.[12] Kasunod ng pagiging kabisera nito, lubhang nabago ang hugis ng Astana. Ang panlahat na plano ng Astana ay idinisenyo ng arkitektong Hapones na si Kisho Kurokawa.[12] Bilang luklukan ng pamahalaan ng Kazakhstan, ang Astana ay ang sityo ng Kapulungan ng Parlamento, ang Kataas-taasang Hukuman, ang Pampanguluhang Palasyo ng Ak Orda at maraming mga kagawaran at ahensiya ng pamahalaan. Tahanan ito ng maraming mga gusaling futurist, otel at gusaling tukudlangit.[13][14][15] Mayroon ding malawakang mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan, isports, at edukasyon ang lungsod ng Astana.
<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang stat.gov.kz
); $2<ref>
tag;
walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang informburo
); $2{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/>
tag para rito); $2