Bakterya Temporal na saklaw: Archean o bago – Kasalukuyan
| |
---|---|
Pinalaking mikrograpong electron ng Escherichia coli | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Dominyo: | Bacteria |
Phyla[1] | |
Actinobacteria (mataas na G+C)
Aquificae
Acidobacteria |
Ang bakterya[2] (Ingles: bacteria (IPA: /bækˈtɪəriə/) [maramihan] o bacterium [isahan][3]) ay isa sa mga pangunahing grupo ng mga nabubuhay na mga organismo. Sa iba't ibang paglalapat, tumutukoy ang katagang bakterya sa lahat ng mga prokaryote o sa isang pangunahing pangkat nila, o dili kaya ang tinatawag na eubakterya (eubacteria), depende sa mga kaisipan tungkol sa mga pagkaugnay nito. Dito, ginagamit ang bakterya upang tukuyin ang yubakterya. Isa pang pangunahing pangkat ng bakterya (hindi ginagamit sa malawak, hindi taksonomikong kaisipan) ang Archaea. Bakteriyolohiya, isang sangay ng mikrobiyolohiya, ang tawag sa pag-aaral mga bakterya. Makikita ang mga bakterya sa lahat ng mga tinitirhan sa Mundo, tulad ng sa lupa, asidik na mainit na tubig, basurang radyoaktib,[4] tubig, at sa kailaliman ng Krust ng mundo, kasama na rin ang mga organikong bagay at mga buhay na katawan ng mga halaman at mga hayop, na nagiging isang halimbawa ng mutwalismo sa sistemang panunaw ng mga tao, anay at mga ipis. Mayroong apatnapung milyong selula ng bakterya sa isang gramo ng lupa at isang milyong selula ng bakterya sa isang milimetro ng malinis na tubig; sa pangkalahatan, mayroong tinatantiyang limang nonilyong (5×1030) bakterya sa mundo,[5] na bumubuo ng isang biyomas na humihigit sa bilang ng lahat ng mga halaman at hayop.[6]
Mayroong tinantsyang sampung ulit na selulang bakteryal sa plora ng mga tao kaysa sa mga selulang pantao sa ating katawan, na kung saan mayroong malaking bilang ng mga bakterya sa balat bilang isang gut flora.[7] Ang karamihan ng mga bakterya sa ating katawan ay kinokonsiderang hindi nakakasama dahil na rin sa epekto ng sistemang immuno, at ang ilan ay nakakatulong. Subalit, ang ilang uir ng bakterya ay patohenik at maaring magsanhi ng mga sakit, tulad ng kolera, syphilis, anthrax, leprosy, at bubonic plague. Ang mga impeksiyong respiratoryo ang pinakamabagsik sa mga sakit, tulad na lamang ang tuberkulosis na pumatay ng dalawang milyong katao sa loob ng isang taon, karamihan dito ay nakatira sa Aprika.[8] Sa mga mauunlad na bansa, ginagamit ang mga antibiotic sa paggamot ng mga impeksiyong bakteryal at sa agrikultura, nagiging kilala na ang resistensiyang antibiyotik. Sa industriya, importante ang mga bakterya sa paglilinis ng mga estero at pagpapababa ng natapong langis, sa produksiyon ng keso at yogurt sa pamamagitan ng permentasyon, ang pagkuha ng ginto, palladium, tanso at iba pang metal sa sektor ng pagmimina,[9] kasama na rin sa biyoteknolohiya, at ang pagpapalabas ng mga antibiotik at iba pang kemikal.[10]
Bakterya ang pinakamarami sa lahat ng mga organismo, ito ay dahil sa kanilang mabilisang reproduksiyon o pagparami. Malawakang silang makikita sa lupa, tubig at bilang mga symbiont ng ibang organismo. Maraming mga pathogen, mga organismong nagdudulot ng sakit, ay bakterya. Napakaliit ng karamihan, kadalasang nasa 0.5-5.0 μm ang kanilang pinakamahabang dimensiyon, bagaman maaaring lumaki ang higanteng bakterya katulad ng Thiomargarita namibiensis at Epulopiscium fishelsoni sa 0.5 mm ang laki. Mayroon silang mga selulang pader (cell wall), katulad ng mga selula (cell) ng halaman at amag, ngunit binubuo ng peptidoglycan ang mga selulang pader ng bakterya.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 206.
{{cite journal}}
: Unknown parameter |author-separator=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)