Sancta Sedes
Banal na Luklukan | |
---|---|
Hurisdiksiyon | Lungsod ng Vaticano Iba pang ekstrateritoryal na mga pook sa Roma, Italya |
Wikang Opisyal | Latin1 |
Uri | Luklukang episkopal ng Santo Papa bilang pinuno ng Simbahang Katolika sa buong mundo |
Pinuno | |
Francisco | |
Pietro Parolin | |
Websayt Vatican | |
Ang Banal na Luklúkan[2] o Santa Sede (Latin: Sancta Sedes, Ingles: Holy See) ay ang eklesyastikal na nasasakupan ng Simbahang Katolika sa Roma. Isa itóng nagsasarilíng estado, kung saan ang Santo Papa ang siyang namamahala bílang punong pastol. Nanunungkulan ito bílang pinakamataas na pamamahala ng simbahan at luklukan ng pagkakaisa dahil sa kanyang antas bilang pangunahing lugar ng mga Kristiyano sa buong mundo. Itinaguyod ito ni Apostol Pedro noong unang panahon nang dumating siya sa Roma upang ipahayag doon ang salita ng Diyos kung saan nakahikayat ng mga nananampalataya. Sa kasalukuyan, ito ay nangangasiwa sa pananampalatayang Kristyano na pinapamahalaan sa bawat kawan.
Ito ay maaring sabihing na katulad ng isang estado, kung saan ang mayroon itong pamamahala na pinamumunuan ng Kalihim ng Estado bílang pangkalahatang tagapangasiwa kasáma ang iba't ibang ahensiya at kagawaran na mahalaga sa pamamahala na puwedeng ihalintulad sa mga sangay ng gobyerno. Ito ay nakikilahok sa ugnayang pandaigdigan sa iba't ibang mga bansa, at hawak ang Lungsod ng Vaticano bílang territoryo nito.
Sa laragan naman ng diplomasya, kinakatawan ng Santa Sede ang buong Simbahang Katolika, at kinikilala ito ng batas pandaigdig bilang isang hiwalay na pagkakakilanlan na may kapangyarihan, sa pamumuno ng Santo Papa, kung saan maaaring magkaugnay ang mga estado kasáma nito.[3][4]
Gayumpaman, hindi magkaugnay ang Santa Sede sa Lungsod ng Vaticano, kahit kung karaniwang tinutukoy bilang "Vaticano" ang Santa Sede: itinatag noong 1929 lámang sa bisa ng Tratado ng Letran ang Lungsod ng Vaticano, habang umiiral pa noong sinaunang panahon ang diyosesis ng Roma na kinakatawan ng Santa Sede. Ang akreditasyon, halimbawa, ng mga embahador sa Simbahang Katolika ay sa Santa Sede, hindi sa Estado ng Lungsod ng Vaticano, at pinapadalá aman ng Simbahang Katolika ang mga anunsiyo nito sa mga ibang bansa sa ngalan din ng Santa Sede, at hindi ng Estado ng Lungsod ng Vaticano.