Si Baruch (de) Spinoza[9][b] (24 November 1632 – 21 February 1677)[13][14][15][16] ay isang Dutch na pilosopong may lahing Portuges na Hudyong Sephardiko.[14][17] Si Spinoza ang isa sa pinakapanunahing tagapagtaguyod ng Rasyonalismo noong ika-17 siglo at isa sa maagang mga intelektuweal na Panahon ng Kaliwanagan.[13][18] and modern biblical criticism[19] including modern conceptions of the self and the universe,[14][20][21][22] Siya ay nabigyan ng inspirasyon ng mga ideya ni René Descartes at naging isang pangunahing pigura sa Ginintuang panahong Dutch. Siya ay lumaki sa isang pamayanang Hudyong Espanyol-Portuges at nagsulong ng mga idea tungkol sa pagiging totoo ng Bibliya at kalikasan ng Diyos. Ang mga autoridad na Hudyo ay nag-isyu kay Spinoza ng herem laban sa kanya na nagpatalsik at itinakwil ng mga Hudyo sa edad na 23 kabilang ang kanyang pamilya. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang mga aklat ay idinagdag sa Index Librorum Prohibitorum(Talaan ng mga ipinagbabawal na aklat) ng Simbahang Katoliko Romano. Bagaman tinawag siyang isang ateista ng kanyang mga kontemporaryo, wala sa kanyang mga akda ay nangangatwiran ng laban sa pag-iral ng Diyos.[23][24][25]
Siya ay namuhay ng simple bilang mandudurog ng mga lente at nakipagtulungan sa pagdisenyo ng mikroskopyo at teleskopyo kasama nina Constantijn at Christiaan Huygens. Tinanggihan niya ang mga gantimpala at mga parangal sa kanyang buong buhay kabilang ang mga prestihiyosong mga posisyon sa pagtuturo. Siya ay namatay sa edad na 44 noong 1677 mula sa sakit sa baga na marahil ay sa tubercolosis o silicosis dahil sa pagsinghot ng mga alikabok ng mga salamin habang dinudurog ang mga lente. Siya ay inilibing sa isang libingang Kristiyano s Nieuwe Kerk sa The Hague.[26]
Ang obra maestra niyang Ethics ay inilimbag pagkatapos ng kanyang kamatayan. Sa akdang ito, sinalungat niya ang pilosopiya ni Descartes ng dualismo ng isipan-katawan at nagbigay kay Spinoza sa Kanluraning Pilosopiya bilang isa sa mga mahalagang intelektuwal.
↑Yitzhak Y. Melamed (ed.), The Young Spinoza: A Metaphysician in the Making, Oxford University Press, 2015, ch. 7.
↑James Kreines, Reason in the World: Hegel's Metaphysics and Its Philosophical Appeal, Oxford University Press, 2015, p. 25: "Spinoza's foundationalism (Hegel argues) threatens to eliminate all determinate reality, leaving only one indeterminate substance."
↑Stefano Di Bella, Tad M. Schmaltz (eds.), The Problem of Universals in Early Modern Philosophy, Oxford University Press, 2017, p. 64 "there is a strong case to be made that Spinoza was a conceptualist about universals..."
↑Michael Della Rocca (ed.), The Oxford Handbook of Spinoza, Oxford University Press, 2017, p. 288.
↑Beth Lord, Spinoza Beyond Philosophy, Edinburgh University Press, 2015, p. 139.
↑Scruton 2002: "Through the works of Moses Maimonides and the commentaries of the Arab Averroës, Spinoza would have become acquainted with Aristotle" harv error: no target: CITEREFScruton2002 (help)
↑Nadler 2001, p. 1. harv error: no target: CITEREFNadler2001 (help)