Kasalukuyan pong nangyayari ang pangyayaring dinodokumento ng pag aalburoto ng Bulkang Taal at pagkalat ng African Swine fever na ito. (Agosto 2024.)
Maaaring mabilis pong magbago ang mga impormasyon habang umuusad po ang pangyayari, at maaari rin pong hindi mapagkakatiwalaan ang mga paunang balita (breaking news). Depende sa aktibidad ng pahinang ito, maaari pong hindi updated ang impormasyong nakalagay rito. Malaya po kayong baguhin ang kahit ano sa pag aalburoto ng Bulkang Taal at pagkalat ng African Swine fever na ito. Pakatandaan lamang po na maaaring matanggal ang mga pagbabagong hindi totoo o walang kaakibat na sanggunian. Maaari rin pong pag-usapan ang mga pagbabago rito sa pahina ng usapan nito. |
Batangas | ||
---|---|---|
Lalawigan ng Batangas | ||
| ||
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Batangas | ||
Mga koordinado: 13°50'N, 121°0'E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon | |
Kabisera | Lungsod ng Batangas | |
Pagkakatatag | 1581 (Huliyano) | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | |
• Gobernador | Hermilando Mandanas | |
• Manghalalal | 1,819,071 na botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 3,119.75 km2 (1,204.54 milya kuwadrado) | |
Populasyon (senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 2,908,494 | |
• Kapal | 930/km2 (2,400/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 716,192 | |
Ekonomiya | ||
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng lalawigan | |
• Antas ng kahirapan | 4.30% (2021)[2] | |
• Kita | (2020) | |
• Aset | (2020) | |
• Pananagutan | (2020) | |
• Paggasta | (2020) | |
Pagkakahating administratibo | ||
• Mataas na urbanisadong lungsod | 0 | |
• Lungsod | 5 | |
• Bayan | 30 | |
• Barangay | 1,078 | |
• Mga distrito | 4 | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
PSGC | 041000000 | |
Kodigong pantawag | 43 | |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-BTG | |
Klima | tropikal na monsoon na klima | |
Mga wika | Tagalog Batanggenyo wikang Tagalog | |
Websayt | http://www.batangas.gov.ph |
Ang Batangas (pagbigkas: ba•táng•gas) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Luzon sa rehiyon ng Calabarzon. Ang Lungsod ng Batangas ang kabisera nito. Napaliligiran ito ng mga lalawigan ng Cavite at Laguna sa hilaga at Quezon sa silangan. Pagtawid sa Verde Island Passages sa timog, matatagpuan ang Mindoro at sa kanluran naman ang Timog Dagat Tsina.
Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit sa Kalakhang Maynila. Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa magagandang pook sisiran o "diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay ang Matabungkay sa Lian, Punta Fuego sa Nasugbu, Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag na Bulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.