Bato (heolohiya)

Isang maliit na sulyap sa Grand Canyon.
Itinatampok ng Grand Canyon sa Amerika ang mga hiwa sa patong ng mga batong sedimentaryo (latak).

Ang bato (Ingles: rock o stone) ay isang masang buo (solid mass) na nabubuo nang natural, o di kaya'y isang pinagsama-samang mineral o malamineral (mineraloid). Kinakategorya ang mga ito ayon sa mineral na meron sila, ang kanilang komposisyong kemikal at kung paano ang mga itong nabuo. Karaniwang kinakategorya ang mga bato sa tatlo: ang batong apuyin o pinalamig (igneous rocks), metamorpiko o nagbago nang nananatiling solido (metamorphic rocks), at mga batong tiningi o latak (sedimentary rocks).

Ang maagham na pag-aaral sa mga bato ay tinatawag na petrolohiya o agbato, isa sa mga pangunahing sangay ng heolohiya.[1]

  1. Harbaugh, John W.; Windley, Brian Frederick. "Geology" [Heolohiya]. Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong Oktubre 14, 2020.

Bato (heolohiya)

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne