Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang batubalani /ba•tu•ba•la•nì/ o bato-balani (Ingles: magnet, mula sa Griyegong μαγνήτις λίθος magnḗtis líthos, "batong magnesyo") ay isang materyal na lumilikha ng magnetikong paligid. Ang magnetikong paligid na ito ay hindi makikita ngunit responsable sa pinakilalang katangian ng isang batubalani: ang pwersa na humihila sa ibang mga ferromagnetikong mga materyal gaya ng iron, at umaakit o nagtataboy sa ibang mga batubalani.
Ang isang permanenteng batubalani ay isang obhektong gawa sa isang materyal na magnetisado at lumilikha ng sarili nitong patuloy na magnetikong field. Ang isang pang-araw araw na halimbawa ang batubalani pang refrigerator na ginagamit upang idikit ang mga papel sa pinto ng pridyider. Ang mga materya na maaaring i-magnetisa na mga bagay na malakas na naaakit sa mga magnetiko ay tinatawag na ferna romagnetiko. Ito aty kinabibilangan ng iron, nickel, cobalt, mga ilang alloy ng bihirang mga metal ng mundo at ilang mga natural na umiiral na materyal gaya ng lodestone. Bagaman ang ferromagnetikong mga materyal ang tanging mga materyal na naaakit sa batubalani na sapat na malakas upang karaniwan itong ituring na magnetiko, ang ibang mga substansiya ay tumutugon ng mahina sa isang magnetikong field sa pamamagitan ng ilan mga ibang uri ng magnetismo.
Ang mga ferromagnetikong materyal ay maaaring hatiin sa magnetikong "malambot" na mga materyal gaya ng aniladong iron na maaaring i-magnetisa ngunit walang kagawiang manatiling magnetisado, at magnetikong "matigas" na mga materyal na makakagawa nito. Ang mga permanenteng batubalani ay gawa mula sa mga "matigas" na ferromagnetikong materyal gaya ng alnico at ferrite na isinasailalim sa isang espesyal na pagpoproseso sa isang makapangyarihang magnetikong field sa pagmamanupaktura nito upang ilinya ang mga panloob ng mikrokristalinong istraktura na gumagawa ditong napakahirap na i-demagnetisa(alisin ang magnetikong katangian nito). Upang i-demagnetisa ang isang saturadong batubalani, ang isang magnetikong field ay dapat ilapat at ang puntong tutugon dito ay depende sa koersibidad ng respektibong materyal. Ang mga "matigas" na materyal ay may mataas na koersibidad samantalang ang mga "malambot" na materyal ay may mababang koersibidad.
Ang isang elektromagnet ay gawa sa isang pulupot ng kawad na umaasal bilang batubalani kung ang isang kuryenteng elektrikal ay pinadaan dito ngunit humihinto bilang isang batubalani kung huminto rin ang kuryente. Kalimitan, ang puluput ng kawad ay binabalot sa isang core ng materyal na ferromagnetiko tulad ng bakal na nagpapalakas ng magnetikong field na nililikha ng pulupot ng kawad.
Ang kabuuang lakas ng isang batubalani ay masusukat ng magnetikong sandali (magnetic moment) o sa alternatibo, ang kabuuang magnetikong flux na nililikha nito. Ang lokal na lakas ng magnetismo sa isang materyal ay masusukat ng magnetisasyon nito.