Bibliya

Tungkol sa tekstong Kristyano ang artikulong ito. Para sa tekstong Hudyo, tingnan ang Tanakh.
Mga Aklat ng Bibliya
Larawan ng binuklat na Bíbliyang Gutenberg, na nasa Aklatan ng Kongreso ng Estados Unidos.

Ang Bibliya o Biblia[1] (ang huli ay mala-Kastila at maka-Griyegong pagbabaybay) ay isang kalipunan ng mga kasulatang relihiyoso na ginagamit sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang kanon ng Bibliya ay magkakaiba sa iba't ibang denominasyon.

Sa Hudaismo, ito ay binubuo lámang ng 24 aklat ng Tanakh (tinatawag na Lumang Tipan sa Kristiyanismo) at hindi kabílang dito ang Bagong Tipan. Para sa mga Samaritano, ang Bibliya ay binubuo lámang ng limang aklat ng Torah (Henesis, Eksodo, Lebitiko, Deuteronomyo at Bilang). Sa Katolisismo, ang Bibliya ay binubuo ng 73 aklat ng pinagsámang Lumang Tipan na may kasamang Deuterokanoniko o Apokripa sa katawagang Protestante at Bagong Tipan. Sa Protestantismo, ang Bibliya ay binubuo ng 66 na aklat ng Luma at Bagong Tipan liban sa Apokripa o Deuterokanoniko ng mga Katoliko. Sa Etiopianong Ortodokso, ang Bibliya ay binubuo ng 81 na aklat, habang ang may pinakamalaking kanon ang mga Silangang Ortodokso, na kumikilala ng 84 na aklat bilang bahagi ng Bibliya. Sa Marcionismo (isang sektang Gnostiko), 11 lámang ang aklat na itinuturing nilang Bibliya, at hindi kasama dito ang buong Lumang Tipan.

  1. Abriol, Jose C. (2000). "Ang Banal na Biblia, ginamit sa pamagat na aklat ni J.C. Abriol ang baybay na Biblia". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliya

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne