Bundok

Isang magandang tanawin
Bundok Damavand, Iran
Bundok Banahaw, Pilipinas

Ang bundok (Kastila: montaña, Ingles: mountain[1], mont, at mount [mga katawagang pang-heograpiya][1]) ay anyong lupa na lumalagpas sa taas ng paligid ng mababang bahagi ng lupa sa isang limitadong lawak.[2] Sa pangkalahatan, mas matarik ang bundok kaysa isang burol, ngunit walang mga pangkalahatan pamantayan tinatanggap para sa kahulugan ng taas ng isang bundok o isang burol.

Napoporma ang mga bundok sa pamamagitan ng tectonic forces, erosyon, o bulkanismo at milyun-milyung taon. Pagkatapos nito, ang mga bundok ay pinapatag sa pamamagitan ng weathering, o ibang paraan ng mass wasting, at saka erosyon dahil sa mga ilog at glacier.

Mas magiging malamig sa itaas ng bundok dahil sa kataasan nito. Itong malamig na klima ay apektado sa ekosistema ng mga bundok: ibang parte ng bundok ay may ibang halaman at hayop. Dahil sa lupain, hindi gaano ginagamit ang bundok para sa agrikultura atmas higit pa para sa pagkuha ng mapagkukunan, katulad ng pagmimina at pagtotroso, at paglilibang, katulad ng pamumundok at pag-iiski.

Ang Bundok Everest sa Himalaya ng Asya ay ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig, na ang rurok ay 8,850 m (29,035 ft) sa itaas ng mean sea level. Ang pinakamataas na bundok sa mga planeta ng Solar System ay ang Olympus Mons sa Marte na ang rurok ay 21,171 m (69,459 ft).

  1. 1.0 1.1 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, dahon 492-499, 606 at 612, ISBN 0-7172-0508-8
  2. Montañas (Bundok), nasa wikang Kastila, Los Libros de la Catarata, 2016, dahon 5-21, ISBN 978-8-49097-218-2

Bundok

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne