Ang bus, na kilala rin bilang omnibus, multibus, autobus, o otobus (mula sa kastila autobús at ómnibus), ay isang malaking sasakyang panlupa at pangkalsada na may mga gulong na may layuning maglulan ng mga maraming iba't ibang mga tao na kasama ang isang tagapagmaneho, drayber o tsuper. May kakayahang maglulan ang bus na maaaring umabot sa 300 na mga pasahero.[1] Malawakang ginagamit ang mga bus sa operasyon ng palingkuran o serbisyong pangtransportasyon na may iskedyul o talatakdaan ng pag-alis at pagdating sa hintuan ng bus o sakayan ng bus (bus stop sa Ingles) na nasa bangketa o lakaran ng tao sa gilid ng kalye. Ang isang gusali kung saan naghihintay ang mga tao ng mga bus na pangmalayuang-biyahe o kung saan nagtitipon ang maraming mga bus ay tinatawag na istasyon ng bus o himpilan ng bus. Maraming mga uri ng bus sa buong mundo.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)