Ang Butiking walang hita ay maaaring tumukoy sa anuman sa ilang mga pangkat ng butiki na independiyenteng nawalan ng mga biyas(hita) o nabawasan sa puntong wala ng silbi sa lokomosyon nito.[1] Ito ang karaniwang pangalan para sa pamilyang Pygopodidae[2] ngunit kadalasang tumutukoy rin sa ibang mga pangkat gaya ng mga walang hitang Anguidae. Ang mga butiking ito ay maitatangi mula sa mga ahas sa sumusunod na mga katangian: pagkakaroon ng takipmata(eyelids) na wala sa mga ahas, pagkakaroon ng mga bukasan sa tenga na wala rin sa ahas, kawalan ng malawakang mga kaliskis sa tiyan at isang napakahabang buntot kesa sa mahabang katawan at isang maikling buntot sa mga ahas.[1] Maraming mga pamilya ng butiki ang independiyenteng nag-ebolb na mawalan ng hita o malaking nabawasan ng mga hita. Ang mga halimbawa ang:[1]
Pygopodidae – ang mga kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na mga butiking walang hita dahil sa kawalan ng harapang biyas at malaking nabawasang mga likurang biyas.[2]
Dibamidae – Ang lahat ng kasapi ng pamilyang ito ay mga walang hita at naglulungga at halos o kumpletong bulag.
Anniellidae – ang lahat ng mga kasapi nito ay walang hita.
Gymnophthalmidae – Marami sa mga kasapi nito ay walang hita o halos walang hita.
Scincidae – Marami sa mga kasapi nito ay walang hita o halos walang hita.
Gerrhosauridae – Ang ilan nito ay walang hita o nabawasan ang hita.
↑ 1.01.11.2Pough et al. 1992. Herpetology: Third Edition. Pearson Prentice Hall:Pearson Education, Inc., 2002.