Buto ng halaman

Mikropotograpiya ng iba't ibang mga buto

Sa botanika, ang buto, binhi, o punla ay ang hindi pa tumutubong bilig ng halaman at reserbang pagkain na nakabalot sa isang nakaprotektang panlabas na balat na tinatawag na balat ng buto. Sa mas pangkalahatan, nangangahulugan ang katawagang "binhi" sa kahit anumang bagay na maaring ihasik, na maaring kabilang ang buto at talop o lamang-ugat. Produkto ang mga binhi ng hinog na obula, pakatapos mapunlaan ang supot-suputan ng bilig sa pamamagitan ng semilya mula sa bulo, na binubuo ang isang sigoto. Nabubuo ang bilig sa loob ng isang buto mula sa sigoto, na binubuo ang isang balat ng buto sa palibot ng obula, at lumalago sa loob ng pinagmulang halaman hanggang titigil ang paglago sa isang takdang laki.


Buto ng halaman

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne