Ang sakit sa coronavirus 2019[5] o coronavirus disease 2019 (COVID-19)[6] na dating kilala bilang 2019-nCoV acute respiratory disease, ay isang nakahahawang sakit dulot ng SARS-CoV-2, isang birus na may kaugnayan sa SARS-CoV.[7][8] Naitala ang mga unang kaso nito sa Wuhan, kabisera ng lalawigan ng Hubei, sa Tsina noong Disyembre 2019, at mula noon ay kumalat sa buong mundo, na humantong sa nagpapatuloy na pandemya ng COVID-19.[9][10] Kabilang sa mga sintomas nito ang lagnat, ubo, at pangangapos ng hinihinga.[11] Kabilang sa mga iba pang sintomas ang kirot sa kalamnan, pag-uuhog, pagtatae, pamamaga ng lalamunan, pagkawala ng pang-amoy, at sakit sa tiyan.[3][12][13] Habang nagreresulta ang karahiman ng kaso sa mga di-malubhang sintomas, maaaring humantong ang ilan sa pulmonya at pagkasira ng iilang sangkap.[9][14] Noong pagsapit ng Abril 16, 2021, higit sa 139 milyon kaso ng COVID-19 ay naitala sa higit sa 200 bansa at teritoryo, na nagresulta sa kamatayan ng humigit-kumulang sa 2,990,000.[15] Higit sa 79,500,000 katao ang gumaling na.[15]
Karaniwang naipapasa ang sakit sa mga ibang tao sa malapitang pakikitungo,[a] kadalasan sa pamamagitan ng mga maliit na patak kapag umuubo,[b] bumabahing, at nagsasalita.[16][19][20] Kadalasan, nahuhulog ang mga patak sa sahig o sa mga ibabaw sa halip na lumipad sa hangin sa malalayong distansiya.[16] Di-ganoong karaniwan, maaaring mahawaan ang isang tao kung hahawakan niya ang isang kontiminadong bagay at pagkatapos nito ay hahawakan niya ang kanyang mukha.[16][kailangan ng sanggunian] Pinakanakahahawa ito sa unang ikaltlong araw sa pagkatapos ng paglitaw ng sintomas, ngunit maaaring makahawa bago lumitaw ang mga sintomas, at mula sa mga taong walang sintomas.[16] Ang pamantayang pamamaraan ng pagsusuri ay sa pamamagitan ng real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) mula sa pamahid sa nasoparinks (nasopharyngeal swab).[21] Makatutulong din ang Chest CT para sa pagririkonosi ng mga indibidwal kung saan may mataas na paghihinala ng impeksyon batay sa mga sintomas at salik sa panganib; ngunit hindi inirerekumenda ng mga patnubay ang paggamit sa CT imaging para sa rutinang pag-iskrin.[22][23]
Kabilang sa mga inirerekumendang hakbang upang maiwasan ang pagkahawa ay madalas na paghuhugas ng kamay, panlipunang pagdidistansya (pagpapanatili ng pisikal na distansya mula sa ibang tao, lalo na sa mga may sintomas), pagtatakip ng mga ubo at bahing ng tisyu o panloob na siko, at paglayo ng maruming kamay mula sa mukha.[24][25] Inirerekumenda ang paggamit ng mga mask sa mga nagsususpetsa na may birus sila at sa kanilang tagapag-alaga.[26] Nagkakaiba-iba ang mga rekomendasyon sa paggamit ng mask ng publiko. Hindi nirerekumenda ng iilan ang kanilang paggamit, nirerekumenda naman ng iilan ang paggamit, at inaatas ng mga iba pa ang paggamit.[27][28][29] Sa kasalukuyan, wala pang mga bakuna o tiyak na gamot panlaban sa birus para sa COVID-19. Kasali sa pangangasiwa nito ang paggamot ng mga sintomas, pag-aalalay, pagbubukod, at eksperimentong pamamaraan.[30]
↑CDC (11 February 2020). "2019 Novel Coronavirus (2019-nCoV)". Centers for Disease Control and Prevention. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 February 2020. Nakuha noong 15 February 2020. {{cite web}}: Unknown parameter |name-list-format= ignored (|name-list-style= suggested) (tulong)