Cnidaria

Cnidaria
Temporal na saklaw: 580–0 Ma
Ediakarano–Kamakailan
Chrysaora fuscescens
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Klado: ParaHoxozoa
Kalapian: Cnidaria
Hatschek, 1888
Subphylum/Mga klase[2]
Anthozoa
Medusozoa—jellyfish:[1]
Cubozoa
Hydrozoa
Scyphozoa
Staurozoa
Hindi nakarango, maaring hindi mga scyphozoan
Myxozoaparasito
Polypodiozoa

Ang Cnidaria o Cnidariano (play /nˈdɛəriə/ na may hindi binibigkas o tahimik na titik c) ay isang phylum sa kahariang Animalia na naglalaman ng mahigit sa 10,000[3] mga espesye ng mga hayop na tanging matatagpuan lamang sa mga kapaligirang pangtubig at karamihang pangdagat. Ang kanilang pangpagkakaibang tampok na katangian ay ang mga cnidocyte, espesyalisadong mga selula na pangunahing ginagamit nila para sa pagbihag ng mga mahuhuling hayop na makakain nila. Ang kanilang mga katawan ay binubuo ng mesoglea, isang sustansiyang walang buhay at tila gulaman, na nakapagitan o nakapalaman sa pagitan ng dalawang mga sapin ng epitelyum na karamihan ay isang selula ang kapal. Mayroon silang dalawang payak na anyo ng katawan: ang lumalangoy na medusae at ang mga polyp na sesilyo (hindi makagalaw at makapagpalipat-lipat), na kapwa simetrikal ang radius na may mga bibig na napapalibutan ng mga galamay (mga tentakulo) na mayroong mga cnidocyte. Ang bawat anyo o porma ay mayroong isang iisang butas sa katawan at puwang sa katawan na ginagamit para sa pagtunaw ng pagkain (dihestiyon) at respirasyon. Maraming mga espesye ng cnidaria ang lumilikha ng mga kolonya na mga organismong isahan na binubuo ng mga tila Medusa o parang polyp na sooid, o kapwa mayroon ng mga ito. Ang mga gawain ng mga cnidariano ay pinangangasiwaan o pinagtutugma-tugma ng isang hindi sentralisadong (desentralisado) lambat ng nerbiyo at payak na mga reseptor o "tagatanggap". Ilan sa mga Cubozoa at Scyphozoa na malaya ang gawi sa paglangoy ang may angking mga statocyst na nakadarama ng pagbalanse o paninimbang, at ilan ang mayroong payak na mga mata. Hindi lahat ng mga cnidaria ang nagpaparami sa seksuwal na pamamaraan. Marami sa kanila ang mayroong masasalimuot na mga ikot o siklo ng buhay na mayroong mga yugtong polyop na aseksuwal at medusae na seksuwal, subalit mayroong ilan na nilalaktawan ang yugtong polyp o kaya ang yugtong medusa.

  1. Ang mga klase sa Medusozoa ay nakabatay sa "The Taxonomicon - Taxon: Subphylum Medusozoa". Universal Taxonomic Services. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-11. Nakuha noong 2009-01-26.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ang Subphyla na Anthozoa at Medusozoa ay nakabatay sa "The Taxonomicon - Taxon: Phylum Cnidaria". Universal Taxonomic Services. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-09-29. Nakuha noong 2007-07-10.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Zhang, Z.-Q. (2011). "Animal biodiversity: An introduction to higher-level classification and taxonomic richness" (PDF). Zootaxa. 3148: 7–12.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Cnidaria

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne