Comune

Mga pampangasiwaang pagkakahati ng Italya:- Mga rehiyon (itim na hangganan)
- Mga Lalawigan (madilim na kulay abong mga hangganan)
- Comuni (mapusyaw na kulay abong mga hangganan)

Ang comune o komuna (pagbigkas sa wikang Italyano: [koˈmuːne]; maramihan: comuni [koˈmuːni]) ay isang lokal na pagkakahating pampangasiwaan ng Italya, halos katumbas ng isang township o munisipalidad.[1] Ito ang ikatlong antas na pagkakahating pampangasiwaan ng Italya, pagkatapos ng mga rehiyon (regioni) at mga lalawigan (province). Ang comune maaari ding magkaroon ng pamagat ng città ('lungsod').[2]

Nabuo ang praeter legem ayon sa mga prinsipyong pinagsama-sama sa mga medyebal na komuna,[3] ang comune ay ibinibigay ng artikulo 114 ng Saligang Batas ng Republika ng Italya.[4] Maaari itong hatiin sa mga frazione, na maaaring may limitadong kapangyarihan dahil sa mga espesyal na hinahalal na kapulungan.[5]

Sa nagsasariling rehiyon ng Lambak Aosta, opisyal na tinatawag na commune ang isang comune sa Pranses.

  1. "Italian communes ordered alphabetically". Nakuha noong 3 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Testo unico delle leggi sull'ordinamento degli enti locali" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 4 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "CONSUETUDINE" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 6 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "La Costituzione - Articolo 114" (sa wikang Italyano). Nakuha noong 6 Mayo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "DECRETO N. 15 DEL 14/11/2019" (PDF) (sa wikang Italyano). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 14 Mayo 2022. Nakuha noong 6 Mayo 2022. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Comune

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne