Dagat Mediteraneo

Isang imahe ng Dagat Mediterranean na galing sa isang satelayt.

Ang Mediteraneo[1], Mediteranyo, o Mediteranea[2] ay isang dagat ng Karagatang Atlantiko na halos natatakpan ng mga anyong-lupa. Kabilang na dito ang Europa sa hilaga, Aprika sa timog at Asya sa silangan. May sukat itong 2.5 milyong km² (965,000 mi kuw). Ang tanging koneksiyon nito sa Atlantiko ay ang Kipot ng Gibraltar na 14 km² (9 mi) lamang ang lawak. Sa oseanograpiya, tinatawag itong Dagat Europea-Mediteranea para matukoy ito sa iba pang uri ng dagat sa Mediteraneo.

Ang dagat na ito ay naging mahalaga sa pakikipagkalakalan at paglalakbay noong sinaunang panahon. Ang mga kulturang nakinabang sa dagat ay ang Mesopotamiya, Ehipto, Semetiko, Persa, Penisyano, Kartago, Griyego, Lebantino at mga Romano.

  1. "Mediteraneo," mula sa "Ang mga Gawa ng mga Apostol". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Mediter(r)anea - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Dagat Mediteraneo

Dodaje.pl - Ogłoszenia lokalne