Ang Dagat Sulu ay isang malaking dagat sa timog-kanlurang bahagi ng Pilipinas. Ang pulo ng Palawan na nasa hilagang-kanluran ay ipinaghihiwalay ang Dagat Timog Tsina at ang Dagat Sulu. Ang Kapuluan ng Sulu sa timog-silangan ang naghihiwalay dito sa Dagat Celebes. Matatagpuan ang Borneo sa timog-kanluran at Visayas sa hilagang-silangan.
Maraming pulo ang matatagpuan sa Dagat Sulu. Ang Pulo ng Cuyo at Cagayan Sulu ay mga bahagi ng lalawigan ng Palawan. Ang Cagayan de Tawi-Tawi at ang Turtle Islands ay bahagi ng lalawigan ng Tawi-Tawi. Nasa Dagat Sulu din ang Tubbataha Reef National Marine Park na isa sa mga World Heritage Sites.
Ang pangalan ng karakter ng Star Trek na si Hikaru Sulu ay galing sa dagat na ito.[1]
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)