Dalagang Bukid | |
---|---|
Direktor | Jose Nepomuceno |
Itinatampok sina | Atang de la Rama |
Sinematograpiya | Jose Nepomuceno |
Inilabas noong | 1919 |
Bansa | Pilipinas |
Wika | none |
Ang Dalagang Bukid, ay ang kauna-unahang Pelikulang Pilipino sa Pilipinas na ipinalabas sa diresiyon ni Jose Nepomuceno sa pamamagitan produksiyon ng Malayan Movies noong 1919, isa sa mga pinakapopular na sarsuela na sinulat ni Hermogenes E. Ilagan, ang tinaguriang Ama ng Zarzuelang Tagalog. Ang Dalagang Bukid ay orihinal na sarsuela at ito'y unang ipinalabas sa Teatro Zorilla noong 1917, mahigit isang taon bago ito isalin sa pelikula. Ang mga nagsiganap nito sa salin sa pelikula ay ang Reyna ng Kundiman na si Atang de la Rama at si Marcellano Ilagan. Ang sinopsis ng "Dalagang Bukid" ay halintulad sa pangunguna ng pag-ibig laban sa lahat, na kung saan ay binigyang diin ng may-akda ang kahalagahan ng pagsusuyong tapat at wagas. Ipinakita sa tema ni Ilagan na hindi lahat ng kaligayahan ng tao sa mundo ay nakukuha sa silaw ng salapi.
Dahil ang pelikulang ito ay naunang likhain bago ang paglalapat ng musika at tunog, hinahayaan ni Jose Nepomuceno na kantahin ni Atang de la Rama ang mga awitin para sa pelikulang ito ang "Nabasag ang Banga" kasabay ang saliw ng tutugin ng organista, trumpeta at violin.