Ang emosyon o damdamin[1] (Ingles: emotion, feeling) ay ang damdamin ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. Iba iba ang emosyon na mararamdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, pag-galit, tuwa at iba pa. Lahat ng tao ay may emosyon, maaring manhid ang isang tao na minsan makaramdam kung siya ay hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maari ring ang emosyon ng isang tao ay dulot ng pag-ibig o pagmamahal.