Ang pariralang Ingles na daylight saving time (DST; tinatawag din na summer time sa Ingles ng Britanya; literal na salin sa Tagalog: oras na nakapagtitipid ng liwanag ng araw) ay ang kasanayan ng panandaliang pagpapasulong ng mga orasan para ang mga hapon ay maging mas mahaba ang pagkakaroon ng liwanag kaysa sa mga umaga na may mas maiikling liwanag. Ito ang lokal o katutubong oras na inaangkin o ginagamit ng maraming mga bansa tuwing tag-init o tag-araw. Sa pangkaraniwan, binabago ang mga orasan sa pamamagitan ng pagpapasulong ng oras ng isang oras tuwing hulihan ng taglamig o maagang tagsibol. Kapag nagwawakas ito tuwing taglagas, ibinabalik ang mga orasan sa kanilang normal na oras.
Ipinakilala ang DST sa maraming bansa upang magamit ang makukuhang ekstra, labis, o sobrang liwanag tuwing tag-araw. Nakakatulong ito sa mga tindahan nagbebenta sa mga tao pagkaraan nilang manggaling mula sa hanapbuhay, subalit may hindi mabuting apekto sa mga magsasaka at iba pa na ang mga oras ay itinatakda ng araw. Binabawasan nito ang mga antas ng mga aksidente sa trapiko ng mga sasakyan. Kung minsan, nakakabawas ito ng mga halaga ng enerhiya, subalit nakapagpapataas din ng mga ito.
May DST ang Estados Unidos, Australya (hindi ang Queensland) o Kanlurang Australya), Nagkakaisang Kaharian, Canada, at marami pang ibang mga bansa. Sa Europa, tinatawag na summer time o oras ng tag-init (oras ng tag-araw) ang DST. Tanging ang Islanda o Lupang-yelo lamang ang bansa sa Europa na walang DST.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Oras ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.