Sa astronomiya, ang deklinasyon o declination (pinapaikli bilang dec o δ) ay isa sa dalawang koordinado ng sistemang ekwatoryal ng mga koordinado, isa rito ang kanang asensiyon o oras anggulo. Maaaring ikumpara ang Deklinasyon ng astronomiya sa heograpikong latitud, subalit inilalapat sa panlangit na timbulog. Sinusukat ang deklinasyon sa hilaga at timog degree ng panlangit na ekwador. Mayroong positibong deklinasyon ang mga puntong nasa hilaga ng panlangit na ekwador samantalang negatibong deklinasyon naman ang mga nasa timog nito.