Ang demograpiya ay ang pang-estadistika na pag-aaral ng populasyon, kabilang dito ang populasyon ng tao. Ito ay maaaring malawak na agham at maaaring gamitin sa kahit anong uri ng dinamikong populasyon ng tao. Ito ay kinapapalooban ng pag-aaral ng laki, estruktura at pamamahagi ng mga populasyon, at ang malawak at mapanahong pagbabago nito ayon sa ipinapanganak, migrasyon, pagtanda at pagkamatay.
Ang pagsusuring demograpiko ay maaaring gamitin sa lahat ng lipunan o sa pangkat na tinukoy ayon sa pamantayan gaya ng edukasyon, kabansaan, relihiyon, at etnisidad. Sa Akademya, ang demograpiya ay kadalasang tinutukoy na sangay ng alinman sa antropolohiya, ekonomiya, o sosyolohiya.[1] Kabilang sa pag-aaral ng demograpiya ay ang pag-aaral ng dami, kaayusan, at pamamahagi ng mga populasyong ito, at ang mga pananaliang pagbabago sa loob ng mga populasyon dulot ng pagsisilang, pangingibang-bayan, pagtatanda, at pagkamamatay. Galing sa pananaliksik tungkol sa demograpiya ng daigdig, ang populasyon ng daigdig hanggang sa taong 2050 at 2100 ay maaaring tantiyahin ng mga demograpo.