Demokratikong Republika ng Congo République Démocratique du Congo
| |
---|---|
Awiting Pambansa: Debout Congolais | |
Kabisera | Kinshasaa |
Pinakamalaking lungsod | capital |
Wikang opisyal | Pranses |
Pamahalaan | Semi-Presidential Republic |
• Pangulo | Félix Thisekedi |
Jean-Michel Sama Lukonde | |
Kalayaan | |
• mula Belhika | 30 Hunyo 1960 |
Lawak | |
• Kabuuan | 2,344,858 km2 (905,355 mi kuw) (ika-12) |
• Katubigan (%) | 3.3 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | 105,789,731 |
• Densidad | 25/km2 (64.7/mi kuw) (ika-179) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | $46.491 bilyon1 (ika-78) |
• Bawat kapita | $774 (ika-174) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2005 |
• Kabuuan | $7.094 bilyon (ika-116) |
• Bawat kapita | $119 (ika-181) |
TKP (2004) | 0.391 mababa · ika-167 |
Salapi | Franc congolais (CDF) |
Sona ng oras | UTC+1 to +2 (WAT, CAT) |
• Tag-init (DST) | UTC+1 to +2 (not observed) |
Kodigong pantelepono | 243 |
Internet TLD | .cd |
a Nakabatay ang pagtataya sa regression; ang ibang PPP figures ay na-extrapolate mula sa pinakahuling latest International Comparison Programme benchmark estimates. |
Ang Demokratikong Republika ng Congo /kong·go/ (Pranses: République Démocratique du Congo), kilala ring DR Congo, DRC, Congo, Congo-Kinshasa ay isang bansa sa gitnang Aprika at ang ikalawang pinakamalaking bansa sa kontinente at ika-11 naman sa daigdig. Pinalilibutan ito ng Central African Republic at Timog Sudan sa hilaga, Uganda, Rwanda, Burundi at Tanzania sa silangan, Zambia at Angola sa timog, at Republika ng Congo sa kanluran. Sa populasyon nitong 75 milyon, ang Demokratikong Republika ng Congo ay ang pinakamataong bansang Francophone, ikaapat na pinakamataong bansa sa Aprika at ika-19 sa buong daigdig.
Ang mga Digmaang Sibil ng Congo na nagsimula noong 1996 na nagwakas sa 31 taong pamamayagpag sa kapangyarihan ni Mobutu Sese Seko, ay sumira sa bansa at di-naglaon kinabilangan ng siyam na bansa sa Aprika, maraming pangkat ng UN Peacekeepers at dalawampung armadong grupo.[1][2] Nagdulot ng pagkasawi ng may 5.4 milyong katao ang nasabing mga digmaan mula 1998[3][4][5] kung saan higit sa 90% ng mga nasawi ay dahil sa malaria, diarrhea, pulmonya at malnutrisyon, na pinalalâ pa ng mga marurumi at siksikang kondisyon ng mga pinaglikasan ng mga refugee.[6] Halos kalahati sa mga naging biktima ay mga bata na wala pang limang taong gulang.[3] Ayon sa Human Development Index (HDI) noong 2013, ang bansa ay may mababang antas ng kaunlarang pantao, pumang-186 sa 187 mga bansa.[7]